Teenager Nag-Hunger Strike para Pabilhin ng iPhone ang Ina

Nag-viral noong August 18, 2024, ang isang video na ini-upload ng X (formerly Twitter) user na si Abhishek, isang Indian researcher at journalist. Ang nasabing video ay kuha mula sa isang smartphone shop sa India at tampok ang isang binatilyong nag-hunger strike ng tatlong araw upang pilitin ang kanyang ina na bilhan siya ng bagong iPhone.

Sa panayam ni Abhishek sa mag-ina, ibinahagi ng ina na nagtatrabaho siya bilang nagtitinda ng mga bulaklak sa labas ng temple upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Kitang-kita ang hirap sa kanyang mukha habang sinasabi niyang napilitang pagbigyan ang anak sa kabila ng kanilang hirap sa buhay. “I sell flowers outside a temple, and my son hasn’t eaten anything in three days because he wanted an iPhone for himself,” pahayag ng ina.

Pumayag na ang ina at ipinambili ng iPhone ang naipon niyang pera, ngunit pinaalalahanan niya ang anak na kailangang bayaran nito ang nagastos mula sa kanyang sariling kita. Masaya man ang ina sa tuwa ng anak sa bagong gadget, nais pa rin niyang matutunan nitong magsikap at mag-ipon.

Sa video, makikita ang binatilyo na masayang-masaya habang tinatanggap ang iPhone, at libre pang binigyan ng earphones mula sa shop. Matapos ang video, umani ito ng 3.1M views, 2.3K comments, 15K reactions, at 4.9K shares.

Maraming netizens ang nagpakita ng simpatya sa ina, na pinuna ang pagiging insensitive ng anak. Ayon sa ilang komento, ginamit ng binatilyo ang emotional blackmail para mapilit ang ina, na nagtatrabaho nang husto bilang isang flower vendor. Anila, nakikita sa mukha ng ina ang pagod at hirap dulot ng emotional at financial pressure mula sa anak.

Dagdag pa ng isang netizen, “Spending this much money on a phone when you don’t work, while your mother toiled hard by selling flowers, doesn’t make any sense.” Marami ang sumang-ayon, sinasabing ang mga ganitong anak ay walang respeto at pananagutan sa kanilang mga magulang.

source from pep. ph

Arar Romorosa
Arar Romorosahttps://arwonderer.com
I’m ARAR ROMOROSA, a Filipino, living in Uruguay, a passionate web developer, SEO Specialist, a traveler, researcher, and writer. I want to take risks, meet interesting people, go hard, challenge myself, and explore the world.

Related Stories

Discover

Sweden Job Seeker Visa: Requirements, Applications Process, FAQs

Sweden has emerged as a top destination for skilled professionals looking to live and...

Life Update: 7 U.S. Cities, States, and Towns That...

West Virginia, Baltimore, Tulsa — these are just a few of the places in...

11 Countries That Might CANCEL Filipino Visas in 2025...

Are you a Filipino planning to travel, work, or study abroad in 2025? This...

Dr. Frank Suarez said that no one will die...

Doctor Frank Suarez stated that no one will die from diabetes, high blood pressure,...

The Andes Mountains: South America’s Majestic Backbone of History...

South America is unique, and the Andes Mountains are a defining geographical landmark, shaping...

Ötzi the Iceman: A 5,300-Year-Old Mystery Frozen in Time

Ötzi, known as the "Iceman," is a naturally preserved mummy approximately 5,300 years old,...
Favtraveller (Travel & Tours)

Popular Categories

Comments

Translate the Article »