Mga Mabisang Halamang Gamot para sa Hika

Ang hika o asthma ay isang sakit sa baga na kung saan ang pasyente ay nakararanas ng paninikip ng paghinga dahil sa pamamaga ng bronchial tubes, maliliit na tubo sa baga. Ang hika ay maaaring maging isang seryosong sakit at wala itong pinipili kahit bata man o matanda.

Ano ba ang gamot sa hika? Maaari mong makontrol ang iyong hika sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong mga kinasanayan sa buhay, pagbabago ng kaugalian sa pagkain, pag inom ng gamot na riniseta ng doktor o mga halamang gamot na maaaring makuha sa kusina o bakuran.

Naglista kami ng mga halamang gamot para sa hika na maaaring makatulong sa iyong karamdaman.

OREGANO, GAMOT SA HIKA

Ang oregano ay isang epektibong lunas para sa asthma. Bukod sa kakayahan nitong magpabawas ng pamamaga, ito ay mayroon ding mga sangkap na panglinis ng baga tulad ng carvacrol, flavonoids at terpenes.

Kayang bawasan ng mga sangkap na nasa oregano ang pamamaga ng daanan ng hangin sa baga, na maaaring magpabawas din sa hirap na nararamdaman ng pasyente.

Uminom ng dalawa hanggang tatlong tasa ng tsaa na gawa sa oregano kung ikaw ay pinahihirapan ng hika. Para makagawa ng oregano tea, kumuha ng tatlong dahon ng oregano at ilagay ito sa isang tasa ng mainit na tubig. Hayaan itong nakababad sa loob ng 10 minuto. Pwede mo itong haluan ng honey bago inumin.

Pwede mo namang pigain ang dahon ng oregano. Kumuha ng isang kutsaritang katas nito at inumin ng ilang ulit sa loob ng isang araw para maibsan ang mga sintomas na dala ng hika at hindi maalis-alis na ubo.

LUYA: HALAMANG GAMOT PARA SA ASTHMA

Isa pang sikat na halamang gamot sa hika ay ang luya. Ang luya ay may sangkap na nagpapabawas sa pamamaga ng daanan ng hangin papuntang baga.

Ayon sa pagsasaliksik ng mga dalubhasa, may ilang sangkap sa luya na napatunayang nakakapagpa-relax ng mga tissues at kalamnan sa daanan ng hangin na kadalasang magang-maga at tensionado sa mga panahon na umaatake ang hika.

Uminom ng dalawa o tatlong tasa ng salabat araw-araw. Para makagawa ng salabat, kumuha ng isang pulgada ng luya, hiwain ito ng maliliit. Pakuluan sa loob ng sampung minuto, salain, hayaang lumamig bago inumin.

BAWANG, GAMOT SA ASTHMA

Ayon sa tradisyonal na pamamaraan ng paggamot ng mga Intsik, ang bawang ay isang mabisang halamang gamot para sa hika. Ang sangkap ng bawang na kontra pamamaga ay nakatutulong para maibsan ang pagiging barado ng baga tuwing inaatake ng hika. Karagdagan pa, ang sangkap nitong pamatay mikrobyo ay nakatutulong din na palakasin an gating immune system at labanan ang mga impeksyon na maaaring maging sanhi ng hika.

Maglaga ng dalawa o tatlong piraso ng bawang sa ¼ tasa ng gatas. Hayaan itong lumamig at inumin ng isang beses kada araw.

Pwede ka namang kumain ng dalawang piraso ng bawang. Haluan mo ito ng isang kutsarita ng apple cider vinegar at honey tuwing umaga bago ang agahan.

Kaya mo ba ang amoy ng bawang? Kumain ng isa o dalawang dinikdik na bawang para palakasin ang immune system para makaiwas sa p g-atake ng hika.

Maaari ka namang uminom ng garlic supplements basta’t siguraduhing nagpatingin ka muna sa doktor.

Madam Lita Jugo

Arar Romorosa
Arar Romorosahttps://arwonderer.com
I’m ARAR ROMOROSA, a Filipino, living in Uruguay, a passionate web developer, SEO Specialist, a traveler, researcher, and writer. I want to take risks, meet interesting people, go hard, challenge myself, and explore the world.

Related Stories

Discover

Life Update: 7 U.S. Cities, States, and Towns That...

West Virginia, Baltimore, Tulsa — these are just a few of the places in...

11 Countries That Might CANCEL Filipino Visas in 2025...

Are you a Filipino planning to travel, work, or study abroad in 2025? This...

Dr. Frank Suarez said that no one will die...

Doctor Frank Suarez stated that no one will die from diabetes, high blood pressure,...

The Andes Mountains: South America’s Majestic Backbone of History...

South America is unique, and the Andes Mountains are a defining geographical landmark, shaping...

Ötzi the Iceman: A 5,300-Year-Old Mystery Frozen in Time

Ötzi, known as the "Iceman," is a naturally preserved mummy approximately 5,300 years old,...

Job Hiring: Housekeeper for Germany

Celenus salvea is one of the leading providers of inpatient and outpatient healthcare services...
Favtraveller (Travel & Tours)

Popular Categories

Comments

Translate the Article »